Governor Faustino “Bojie” Dy III ng Isabela, Nagpatawag ng Special Meeting Bilang Paghahanda sa Bagyong Ompong!

Cauayan City, Isabela – Nagpatawag na kahapon ng isang special meeting si Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III sa mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong Mangkhut o Ompong.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Romy Santos, media consutant ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela, na ang naturang pagpupulong ay dinaluhan ng mga kinatawan ng PNP, BFP, AFP, Provincial Social Welfare and Development o PSWD, DPWH, at DOST- PAGASA Isabela.

Aniya kabilang din sa pulong ang bawat department heads ng provincial government ng Isabela upang magkaroon umano ng tamang koordinasyon sa isasagawang prepositioning ng relief goods ngayong araw o bukas sa mga bayan ng northern part ng Isabela na maaring mas maapektuhan sa malakas na bagyong ompong.


Sinabi pa ni ginoong Santos na bawat ahensya ay may kanya-kanyang saklaw na paghahanda para sa nasabing bagyo.

Samantala, may inisyal na tatlong daang sako na ng relief goods ang inihahanda na sa ngayon para sa mga coastal towns ng lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments