Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang katimugang bahagi ng Davao Oriental kaninang 12:32 PM.

Batay sa update na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang sentro ng lindol ay nasa may 126 kilometro ng timog hilagang-silangang bahagi ng Governor Generoso, Davao Oriental.

May lalim itong isang kilomentro at tectonic ang dahilan.


Wala namang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershocks dahil sa nangyaring lindol.

Facebook Comments