Governor Imee Marcos, pinagso-sorry ng liderato ng Liberal Party

Manila, Philippines – Iginiit ni Liberal Party o LP Vice Chairman Senator Franklin Drilon kay Ilocos Norte Governor Imee Marcos na mag-sorry.

Ang hiling ni Drilon ay makaraang akusahan ni Governor Marcos ang LP na nasa likod ng panunuhol umano sa mga mambabatas ng 100-milyong piso para tiyakin na maididitine ang gobernadora sa Kamara.

Sa pagdinig kanina ng Kamara kaugnay sa maling paggamit ng Ilocos Norte provincial government sa P66.45-million pesos na tobacco fund ay binawi na ni Marcos ang nabanggit na akusasyon.


Pero sa kabila nito, ay iginiit ni Drilon na dapat pa ring mag-apology sa Liberal Party si Governor Marcos.

“I understand that Imee Marcos retracted her previous allegations that the Liberal Party was involved in a P100-M payoff to the congressmen in exchange of her detention. We demand an apology from Imee Marcos,” pahayag ni Senator Drilon.

Facebook Comments