Governor Mamba ng Cagayan, Kinasuhan!

Tuguegarao City, Cagayan – Sinampahan ng kasong sibil sa korte si Cagayan Governor Manuel Mamba at ilang department heads ng pamahalaang panglalawigan.

Batay sa ipinadalang mensahe ni Vice Governor Melvin “Boy” Vargas, Jr. sa 98.5 iFM Cauayan, kabilang sa mga sinampahan ng kaso ay sina Atty. Maria Rosario S. Mamba-Villaflor – Chief of Staff ni Gov. Mamba, Raynald Ramirez – OIC Assistant Provincial Budget Officer, Jeanna Consigna – Garma bilang Provincial Accountant, Mila Q. Mallonga bilang Acting Provincial Treasurer, at Virgillo O. Olangco bilang Human Resource Development Officer ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Nag-ugat ang nasabing kaso matapos nang hindi pasahurin ng pitong buwan ang ilang mga kawani at consultant sa Legislative Department ng Cagayan.


Ayon kay Vice Gov. Vargas na siyang nanguna sa pagsasampa ng kaso laban kay Mamba, hindi kinilala ng nasabing pinuno ang kayang appointing power sa Legislative Department na siya naman dahilan para hindi makasahod ang kanyang mga kawani sa Tanggapan ng Bise Gobernador at Sangguniang Panlalawigan.

Kasabay ng pagsasamapa ng kaso ay hiniling din ni Vargas sa korte na magpalabas ng TRO upang ipawalang bisa ang memorandum order na ipilabas ng Gobernador hingil sa pagpapawalang bisa sa kapangyarihan ng Bise Gobernador na kumuhan ng bagong empleyado sa kaniyang tanggapan at Sangguniang Panlalawigan.

Facebook Comments