Nanawagan si Pangasinan Governor Ramon ‘Mon Mon’ Guico III sa higit 6, 000 empleyado ng provincial government na isantabi ang usapin ng politika.
Sa kanyang kauna-unahang pagdalo sa flag raising ceremony sa Kapitolyo ng probinsya, sinabi ni Guico na pagtuunan ng pansin ang trabaho upang makamit ang mission at vision ng probinsya.
Aminado ito na sa bawat administration transition ay nariyan ang takot ngunit sinisiguro ng Gobernador na magiging ‘rationale, compassionate at considerate’ siyang lider.
Nagbabala din ito na huwag sisirain ang kaniyang tiwala sapagkat mahirap na niyang ibalik ang tiwala kapag nagkaroon na ng lamat.
Nagbabala din ito na huwag sisirain ang kaniyang tiwala sapagkat mahirap na niyang ibalik ang tiwala kapag nagkaroon na ng lamat.
Binigyang diin din ng Opisyal sa empleyado ng kapitolyo na kailangang maging tapat sa probinsya at gobyerno.
Asahan aniya ang mga pagbabago para sa ikauunlad ng Pangasinan.
Nakatakda ding makipagpulong ito sa mga department heads dahil nagkaroon ng pagbaba sa annual budget ng probinsiya at kailangang pagplanuhang maigi ang pondo. |ifmnews
Facebook Comments