Gov’t officials sa Cotabato city, sumailalim sa team building!

Mas lalo pang nalinang ang kakayahang mamuno at kaalaman sa serbisyo publiko ng elected officials, department heads, at division chiefs ng city government of Cotabato sa pamamagitan ng isinakatuparang team building activity.

Ang 3-day workshop na inisyatibp ng Office of the City Mayor ay kinonsepto sa tulong ng City Planning and Development Office sa layuning mapalakas ang commitment ng city officials sa paglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng pagsasailalim sa serye ng lectures and workshops sa tulong naman ng development experts.

Sa naturang aktibidad ay ni-revisit ang vision and mission ng city government at muling ipinaalala sa mga partisipante na manatiling malakas, matatas at magkaisa sa pagkamit sa adhikain, ang mainam at mas maulad na Cotabato City.


Sa pamamatnubay at liderato ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi, ang government officials ay mas motivated sa trabahong nakaatang sa kanila at sa pag-ambag para sa tagumpay ng operasyon ng LGU.

Facebook Comments