Gov’t peace panel, naniniwalang buhay pa ang peace talks sa CPP-NPA-NDF

28

Manila, Philippines – Naniniwala ang Government Peace Panelo na nananatiling buhay pa ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front (NDF).

Ang NDF, ang umbrella organization na kumakatawan sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New Peoples’ Army (NPA).

Ayon kay Government Peace Panel Chairperson, Labor Secretary Silvestre Bello III – nagpapatuloy pa rin ang mga hakbang para makamit ang kapayapaan mula sa mga makakaliwang grupo.

Bagamat ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspension ng peace talks, hindi naman hininto ng gobyerno ang pagkikipag-usap nito sa NDF.

Sa ngayon, hinihintay ng government peace panel ang resulta ng localized peace talks.

Facebook Comments