Gov’t peace panel, sinampahan ng asunto sa joint monitoring committee kaugnay ng Sagay massacre

Nagharap ng reklamo sa joint monitoring committee ang isang grupo ng mga magsasaka laban sa government peace panel kaugnay ng nangyaring Sagay massacre.

Ang complaint ay iniharap ng unyon ng mga manggagawa sa agrikultura na itinuturo ang special civilian auxiliary army bilang mga suspek.

Paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL ang isinampang asunto ng grupo.


Ayon kay UMA Secretary General John Milton Lozande, apat na buwan na ang nakalipas magnula nang mangyari ang Sagay massacre pero wala pa rin hustisya na nakakamit ang pamilya ng mga biktima.

Kahit hindi pa aniya naisasara ang kaso, agad na idineklara ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na kagagawan ng New People’s Army (NPA) at National Federation of Sugar Workers (NFSW) ang madugong pangyayari.

Facebook Comments