Nagsagawa ng special meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia ang Government of the Philippnes-Moro Islamic Liberation Front (GPH-MILF) Implementing Panels.
Ang pulong ay dinaluhan ng Panel Chairmen, USEC Nabil A. Tan at Mohagher Iqbal.
May ilang mga dukomento na nilagdaan, ang Term of Reference para sa GRP- MILF Joint Communications Committee; Mga alituntunin para sa Operationalization ng Bangsamoro Trust Fund; Revised Implementing Guidelines on the Joint Communique noong 6 May 2002 at ang Joint Statement.
Siniterpikahan din ang pagre-renew sa mandato ng Civilian Protection Component (CPC) ng International Monitoring Team (IMT) ng 2 taon, ito’y hanggang 14 December 2019, mainit din tinanggap ang Catholic Relief Services (CRS) at ang Consortium of Bangsamoro Civil Society (CBCS) bilang mga miyembro ng IMT-CPC.
Sa kanyang speech, nagpahayag ng kagalakan si Malaysian Facilitator Dato Kamarudin Bin Mustafa sa pagdalo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Bangsamoro assembly at umaasang maisusulong pa ang peace process.
Sinabi naman ni OPAPP Secretary Jess Dureza, na taimtim ang kanyang pagnanais na umusad pa ang usapang pangkapayapaan, hindi man kaagad ngunit paunti-unti.
Sa panig naman ni MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim, sa ngalan ng MILF Central Committee, muli nitong inihayag ang commitment ng kanilang liderato sa peace process para sumulong at buo ang kanilang suporta dito.
GPH-MILF Implementing Panels, nagpulong sa Kuala Lumpur!
Facebook Comments