Manila, Philippines – Dinagsa ng mga operator at driver ng Uber ang tanggapan ng Grab at U-Hop matapos payagan ng LTFRB na saluhin ng dalawang nabanggit na Transport Network Vehicles Services (TNVs) ang mga apektado ng suspensiyon ng Uber.
Ayon kay Brian Cu, country head ng Grab Philippines, lahat ng mga accredited Uber drivers at operators ay kukupkupin nila.
Kailangan magpasa ng proof of accreditation mula sa Uber at proof of insurance coverage bilang TNVs ang mga Uber drivers at operator para makapalit ang mga ito sa Grab o U-Hop.
Kapag nakumpleto ang requirements at training, kayang ma-activate ang Uber drivers ng Grab at U-Hop sa loob ng isa o dalawang araw.
Una nang sinabi ng Uber na magbibigay pa rin sila ng financial assistance sa mga apektado ng suspensiyon, at regular silang magbibigay ng update hinggil dito.