Manila, Philippines – Naghain na ng motion for reconsideration sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kumpaniyang Grab at Uber.
Ayon kay Atty. John Paul Nabua, abogado ng Grab, laman ng kanilang mosyon na payagan na munang makabyahe ang nasa 50,000 Transport Network Vehicle Service (TNVS) kahit wala pang prangkisa ang mga ito.
Kasabay nito, binayaran na rin ng Grab at Uber ang P5 million multa dahil sa iba’t ibang mga violations.
Giit naman ni Atty. Bong Suntay, presidente ng Philippine National Taxi Operators, hindi patas ang pagpayag ng mga otoridad na makabyahe ang mga walang provisional authority o certificate of public convenience.
Samantala, sinabi ni Nabua ang posibleng tumaas ang singil nila sa pasahe kapag natuloy ang paghuli sa kanilang mga colorum partners sa July 26.
Paliwanag ni Nabua, magiging madalang na kasi ang bilang ng mga bibiyahe nilang partners.
Sa pagtaya ng abogado sa 28,000 accredited grab units may 4,000 lang sa mga ito ang may provisional authority.