Grab at Uber, nasobrahan sa pagtanggap ng mga operator at driver application

Manila, Philippines – Inamin ng mga Transport Network Vehicle Services (TNVS) na Uber at Grab na tumatanggap pa rin sila aplikante mula sa mga gustong maging driver at operator.

Ito’y kahit ipinatigil ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng dagdag na prangkisa noong isang taon.

Ayon kay Grab Philippine Country Head, Brian Cu – nasa 28,000 ang kanilang aktibong unit pero halos apat na libo lamang ang may permit.


Dito na pinagbabayad ng LTFRB ng tig-limang milyong pisong multa ang grab at uber dahil sa colorum ang karamihan sa kanilang mga unit.

Sinabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada – kapakanan at kaligtasan ng mga pasahero ang kanilang prayoridad.

Nagpasalamat naman ang uber sa pagkilala ng LTFRB bilang alternatibong paraan ng transportasyon at nangakong susunod at makikipagtulungan.

Ipatatawag sa susunod na linggo ang isang technical working group para malaman kung gaano kalaki ang demand sa TNVS.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments