Grab at Uber, pinatawan ng tig-5 milyong pisong multa ng LTFRB dahil sa paglabag sa accreditation terms nito

Manila, Philippines – Hindi pinatigil ang operasyon, ngunit pinatawan ng tig-limang milyong pisong multa ng LTFRB ang mga transport network companies na Uber at Grab.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ito ay dahil sa patong patong na paglabag sa terms of accreditation na inilatag ng ahensya.

Paliwanag ni Delgra kabilang sa mga paglabag ang hindi pag screen sa mga nag-a-apply na TNVS o operators.


Pag-transfer ng accreditation certificate na ipinagbabawal sa ilalim ng terms of accreditation at hindi paglalagay ng litrato at pagkakakilanlan ng mga ina-accredit na driver.

Inatasan din ang Uber na magsumite ng updated na listahan ng kanilang operators.

Wala namang ipinataw na multa sa isa pang TNS na U-hop, dahil sumusunod naman umano ito sa mga panuntunan.

Ikinatuwa naman ni Brian Cu, Country Manager ng Grab ang naging desisyon ng LTFRB, mas mabuti na umano ito kesa sa suspensyon o kanselasyon ng Accreditation.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments