Grab, binatikos ng netizens ukol sa Women-shaming post

Screenshot via Grab

Umani ng reaksyon mula sa mga netizen ang women-shaming post ng Grab Philippines, online taxi booking service sa bansa.

Ibinahagi ng Grab ang isang post ang larawan nila Julia Barretto, Kim Chiu, Maja Salvador, Pia Wurtzbach, Bea Alonzo at Sarah Geronimo— mga naging karelasyon ni Gerald Anderson.

Sa Facebook post, “Walang kailangang maiwan. Walang kailangang masaktan. Sa GrabCar 6-Seater, pwedeng magsabay-sabay.”


Kaugnay ito ng issue kung saan inilabas ng isang netizen ang “sweet photos” nila Julia at Gerald sa birthday party ni Rayver Cruz, malapit na kaibigan.

Binura rin ng Grab ang post ngunit ibinahagi naman ito ng mga netizen ang screenshot na kumalat sa social media.

Ani ng netizens, nilabag ng Grab ang ‘data privacy act’ kung saan hindi nila kinuha ang permiso ng mga artista na nasa post.

Samantala, humingi na rin ng paumanhin ang Grab sa nangyaring women-shaming post.

Ayon sa Grab, “We apologize for running the light! We were in no way encouraging nor condoning disrespect for women and disrespect within relationships.

We admire the love and loyalty that fans have for all these wonderful women.

Thank you for reminding us what not to be!”

Facebook Comments