Grab driver, arestado sa buy-bust operation sa QCPD

Arestado ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang Grab driver na suma-sideline sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Kinilala ni QCPD Director Pol. Brig. Gen. Danilo Macerin ang arestado na si Lucman Manamparan.

Nakipagbarilan pa sa mga otoridad ang suspek bago ito nahuli.


Nakuha sa kaniya ang shabu na may timbang na 12.5 grams na nagkakahalaga ng ₱85,000.00, dalawang units ng cellular phone at red Sedan Hyundai Accent na gamit niya sa transaksyon.

Facebook Comments