Grab drivers, makatatanggap ng libreng online healthcare consultations

Nakipag-partner ang Grab Philippines sa teleconsultation platform, KonsultaMD para magbigay ng higit P21 million na halaga ng libreng online healthcare consultations para sa kanilang partner drivers at delivery riders sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ang hakbang na ito ng Grab ay suporta sa kanlang mga partners na nagsisilbing frontliners at patuloy na nagsisilbi sa bawat Pilipino ngayong health crisis.

Ayon kay Grab Philippines Country Head Grace Vera Cruz, prayoridad nila na manatiling healthy ang kanilang partner riders at napapanatili ang paghahatid ng essential services sa consumers.


Nakapaloob sa partnership ang pangnagailangang pangkalusugan ng driver community ng Grab sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga lisensyadong doktor at espesyalista sa pamamagitan ng voice o video call.

Sinabi naman ni Global Telehealth Inc. Chief Operating Officer Cholo Tagaysay na ikinagagalak nila ang pagbibigay ng telemedicine support sa Grab partners.

Ang pamilya ng Grab drivers at delivery partners ay maaari ding masama bilang benepisyaryo.

Ang libreng online medical consultation ay magtatagal hanggang January 2, 2022.

Facebook Comments