Grab, hindi muna sisingilin ang mga pasaherong nagka-cancel ng ride booking

Hindi muna ipatutupad ng ride-hailing company na Grab ang P50 cancellation fee para sa kanilang mga customers.

Sa isang statement sinabi ni Nicka Hosaka, Grab Public Affairs Manager, na nagdesisyon silang huwag ituloy ang pagpapataw ng multa matapos ang kanilang pakikipag-usap sa mga kinatawan ng iba pang Transport Network Company (TNC) at LTFRB.

Una nang sinabi ng Grab na ipatutupad ang multa para sa mga customers na magkakansela ng booking kahit nabigyan na ng confirmation notice at para rin sa mga hindi magpapakita sa kanilang driver-partners.


Paliwanag ni Hosaka, sa ngayon ay hinihintay pa nila ang guidelines mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments