Grab, iginiit na nagkaroon lang ng miscommunication kaugnay sa ‘unclaimed’ milk tea delivery

Iginiit ng Grab Philippines na nagkaroon lamang ng ‘miscommunication’ sa pagitan ng Grab food driver at ang nag-order nito.

Matatandaang napilitang ibenta ng Grab food driver ang nasa ₱1,900 na halaga ng milk tea delivery dahil hindi ito na-claim.

Sa statement Grab, ang delivery order ay isang cashless transaction, ibig sabihin hindi na maglalabas ang driver ng anumang pera.

Naghintay pa ang Grab food driver ng higit 20 minuto sa sinumang kukuha ng order, pero sinubukan itong i-claim ng customer.

Gayumpaman, naibigay naman ang reimburse sa customer habang nabayaran din ang driver.

Sa panuntunan ng Grab, dapat i-surrender ng driver ang mga unclaimed food and drinks sa kumpanya, bilang bahagi ng no-show and reimbursement policy.

Facebook Comments