Grab, ipinatawag ng LTFRB kaugnay sa deactivation ng 8,000 units nito

Ipinatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Hunyo 11 ang mytaxi.ph incorporated na nagpapatakbo sa Grab para sa deactivation ng nasa 8,000 units nito.

Ayon sa LTFRB, dapat na-deactivate na ng Grab ang drivers na hindi nagsumite ng aplikasyon para sa accreditation ng ahensiya batay na rin sa utos nito ilang buwan na ang nakararaan.

Maliban dito, pagpapaliwanagin din ng ahensya ang Grab sa hindi nito pagpapatupad ng 20 percent discount sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens at estudyante at kung may nakahandang remedyo ang Grab para rito.


Facebook Comments