Grab, magbabalik operasyon sa NCR at iba pang lalawigan na ibinalik sa GCQ

Ibabalik muli ng Grab Philippines ang operasyon ng kanilang GrabCar Services simula ngayong araw, August 19, 2020 matapos ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng Grab, ang GrabCar services sa Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite at Rizal ay ipatutupad mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ang GrabBayanihan Car Service para sa medical frontliners ay patuloy na mag-o-operate 24/7 sa Metro Manila.


Paalala ng Grab na mahigpit na ipatutupad ang polisya ng Department of Transportation (DOTr) kung saan kinakailangang magsuot ng face mask at face shield ang mga driver partner at mga pasahero.

Ang mga driver-partner ay maaaring kanselahin ang bookings kung bigo ang pasahero na sumunod sa minimum health standards.

Mananatiling cashless pa rin ang pagbabayad ng pamasahe sa Grab.

Samantala, ang GrabFood at GrabMart ay mananatiling ang operations mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng hatinggabi, depende sa availability ng merchant partner habang 24/7 ang operations ng GrabExpress.

Facebook Comments