Grab, maniningil na sa mga nagka-cancel ng booked ride

Maniningil na ang Grab Phillipines ng bayad sa mga naka-cancel na booking.

Ayon kay Atty. Nicka Hosaka, tagapagsalita ng Grab Philippines, magpapataw sila ng P50 na cancelation at no show fee sa mga pasaherong nagkansela o hindi sumipot sa pick up point na sisingilin sa kaniyang susunod na booking.

Habang makakatanggap naman aniya ng 30 Grab reward points ang mga pasaherong kapag kinanselahan ang booking ng driver.


Pero kapag ang pasahero ay madalas mag-cancel, sususpendihin ang account nito ng 24 oras.

Maituturing na madalas ang pagkansela kung nakadalawang beses sa loob ng isang oras, tatlo sa isang araw o lima sa loob ng isang linggo.

Paglilinaw naman ni Hosaka, wala aniyang ipapataw na cancelation fee kung may sapat na dahilan ang pasahero

Giit pa ni Hosaka, papatawan rin ng parusa ang mga driver na magkakansela ng kanilang booking.

Pansamantalang hindi makakabiyahe ang isang driver na sunod-sunod ang pagkansela ng booking.

At kapag naipon ang reklamo ng pasahero o mababa ang rating ng driver maaari itong ma-ban sa Grab.

Facebook Comments