Grab may free water delivery

Kasunod ng nararanasang krisis sa tubig.

Nag-aalok ngayon ang Grab Philippines ng “Grab igib free water delivery.”

Kinakailangan lamang i-download ang Grab igib app, i-click ang igib today at ilagay ang drop-off location.


Ayon sa Grab, ang water and deliver ay libre pero may option na bumili ng water container sa halagang P100 ang service hours ay mula 4-9 PM  at nagsimula kahapon March 27 at tatagal hanggang March 29. Isang container lamang kada booking at ang tubig ay hindi ligtas na inumin.

Pero limitado lamang sa ilang barangay ang nasabing serbisyo.

Kabilang dito ang Barangay Escopa III, Escopa IV, Industrial Valley, Jesus dela Peña, Tañong, Sto Niño, Concepcion Dos, Nangka, Parang at Marikina Heights.

Facebook Comments