Grab may libreng sakay sa mga apektado ng lindol sa Pampanga

Kasunod ng nangyaring magnitude 6.1 na lindol sa Luzon kung saan napuruhan ang Pampanga.

Magkakaloob ng libreng sakay ang Grab Philippines sa mga biktima ng lindol.

Ayon sa Grab, layon nitong asistehan ang mga kababayan nating Kabalen na lubhang naapektuhan ng lindol.


Pupwesto ang GrabCar services sa ilang ospital sa Pampanga kabilang dito ang mga sumusunod:

1) Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital (City of San Fernando)

2) Diosdado Macapagal Memorial Hospital (Guagua, Pampanga)

3) Jose S. Lapid District Hospital (Porac District Hospital)

4) Romana Pangan District Hospital (Floridablanca, Pampanga)

Ang libreng sakay ng Grab ay mula alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi simula ngayong araw April 25 hanggang April 27.

Maliban dito, magkakaloob din ang Grab ng financial assistance sa kanilang driver-partners sa Pampanga na biktima ng lindol sa pamamagitan ng kanilang GrabCare Package.

Maaari anilang makipag-ugnayan ang mga Grab driver-partners sa mga numerong 02-883-7100 o bisitahin ang grb.to/grabcarepackage para sa karagdagang impormasyon.

Facebook Comments