Grab, nagbukas ng 10,000 slots para mga driver sa Urban Communities

Nagbukas ang ride-hailing service na Grab ng 10,000 slots sa mga potential drivers mula sa Urban Communities.

Ito ay bahagi ng partnership ng Grab sa Presidential Commission on Urban Poor (PCUP).

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement, bibigyan ng livelihood opportunities para sa mga driver, bicycle riders, at motorcycle riders.


Ayon kay Grab Philippines President Brian Cu, tutulong sila sa maiahon sa kahirapan ang mga residente sa Urban Communities.

Magiging bahagi ang Grab sa mga job caravan sa Metro Manila, partikular sa Baguio City, Pampanga, Cebu, Bacolod, Iloilo, Davao City, at Cagayan De Oro.

Ang PCUP ay may one-stop shop caravan para sa mga aplikante para maproseso ang kanilang dokumento tulad ng Birth Certificate at NBI Clearance bago mag-apply ng trabaho.

Sinabi ni PCUP Chairperson Alvin Feliciano, makikipagtulungan sila sa pribadong sektor para sa Anti-Poverty Projects.

Ang mga Grab driver applicants ay kailangang magsumite ng mga sumusunod na dokumento at impormasyon:

  1. Professional Driver’s License (na mayroon pang 21 days bago mapaso)
  2. NBI Clearance (21 days bago ang expiration)
  3. Valid Email Account (gmail lamang)
  4. Android Phone, Version 6.0 at pataas
  5. Medical Clearance (kapag ang driver ay 60-anyos pataas)
  6. Drug Test results

Dagdag requirements para sa Motorcycle drivers:

  1. Motorcycle OR/CR
  2. Authorization Letter mula s may-ari ng motorsiklo
  3. Tin Number

Ang mga matatanggap na aplikante ay sasailalim sa training mula sa Grab.

Facebook Comments