Nanawagan ang Grab Philippines sa Transport Network Vehicle Services o TNVS community na huwag nang magsagawa ng tigil-pasada sa Lunes, July 8.
Ayon kay Grab Philippines Public Affairs Manager, Atty. Nicka Hosaka – hinimok nila ang kanilang TNVS partners na kanselahin ang kanilang planong transport holiday.
Pinayuhan niya sila na maghunus-dili bago gumawa ng mga hakbang na magdudulot lamang ng negatibong epekto sa mga pasahero.
Hinihikayat ng Grab ang kanilang TNVS partners na makipagtulungan sa kanila, sa mga pasahero at sa mga kinauukulan para resolbahin ang mga problema sa pamamagitan ng dayalogo.
Nabatid na ang transport strike ay protesta sa mabagal na pagpoproseso at application sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), maging ang pagbabawal sa mga hatchback vehicles bilang TNVS.