Nilinaw ng Grab Philippines na walang pagbabago sa kanilang presyo at ibinaba nila sa 1.5x ang surges mula nang magbalik sila sa operasyon sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay Grab Philippines Country Manager Brian Cu, patuloy pa rin silang tumatalima sa fare matrix na itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sinabi ni Cu na bumaba ang bilang ng bookings na umaabot lamang sa 10% ng average bago ang lockdown.
Sa kabila nito, umaasa ang Grab na babalik sa normal ang pagbo-book sa kanilang serbisyo.
Facebook Comments