Grab officals, naniniwalang aaprubahan ng TWG na makasama sa MC Taxi pilot study ang Grab bikes dahil sa pakikipag-meeting kay PBBM sa Malacañang

Naniniwala ng pamunuan ng Grab Philippines na aaprubahan ng Technical Working Group (TWG) ang pagsali nito sa pilot study ng motorcycle taxi kasunod ng pakikipag-meeting ng mga opisyal nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang.

Nag-post sa social media ang COO ng Grab Philippines na si Ronald Roda, sa ginawa niyang pagharap kay Pangulong Bongbong Marcos sa nagdaang courtesy call sa Malacañang.

Ipinagmamalaki umano’y ni Roda na makakatanggap ang Grab bikes ng approval sa TWG dahil nakipag-close ties sila sa Malacañang.


Una nang nakatanggap ng sulat ang Grab Philippines mula sa MC-Technical Working Group na nagsasabing hindi nila otorisado ang Grab na makasama sa MC pilot study.

Ayon kay LTFRB Chairman at TWG head Teofilo Guadiz, tatlo lamang ang accredited ng TWG para sa MC pilot study at ito ay ang Angkas, Move It, at Joyride.

Facebook Comments