Grab Philippines, binanatan si Cong. Nograles kaugnay sa 15 Billion Pesos multa dahil sa overcharging

Binanatan ng Grab Philippines si Pwersa ng Bayaning Atleta Party-List Rep. Jericho Nograles.

Ito’y matapos sabihin ng mambabatas na dapat patawan ang Transport Network Company ng 15 Billion Pesos na multa dahil sa ‘overcharging’ sa Tatlong Milyong users nito.

Giit ng Grab, hindi sila nag-overcharge sa kanilang rider at wala silang liability na magbayad ng anumang multa, taliwas sa pahayag ni Nograles.


Ang kanilang mga pamasahe ay naaayon sa fare matrix ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments