Grab Philippines, humihingi ng tulong sa pamahalaan tungkol sa alternatibong paraan ng pagbabayad ng mga commuter

Humingi ng tulong ang Grab Philippines sa pamahalaan para turuan ang publiko sa paggamit ng cashless payment.

Sa ginanap na virtual hearing sa Kamara, sinabi ni Grab Philippines President Brian Cu na may ilang pasahero pa rin ng kanilang Transport Network Vehicle Service (TNVS) ang hindi sanay sa paggamit ng cashless payment.

Dahil dito, may ilan silang partner drivers na hindi na nirerehistro sa kanilang application ang pasahero dahil cash ang payment nito.


Nababahala si Cu na mahihirapan sila sa contact tracing ng pasahero at posibilidad na mahawa naman ng COVID-19 ang mga driver dahil sa iniaabot na pera.

Panawagan nito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), reviewhin ang cashless transaction protocol at unti-untiin ang pag-roll out nito upang mabigyang pagkakataon ang mga hindi pamilyar o hindi sanay na gumamit ng cashless payment.

Facebook Comments