Grab Philippines, nagpaalala sa mga driver nito na bawal ang pangongontrata sa mga pasahero  

Nagpaalala ang Grab Philippines sa mga partner drivers nito na mahigpit na ipinagbabawal ang pangongontrata sa mga pasahero.

Ayon kay Grab Philippines Spokesperson, Atty. Nicka Hosaka, pwedeng kanselahin ng LTFRB ang prangkisa ng Taxi kung mapapatunayang nangongontrata ang driver.

Kaugnay nito, sinabi ni LTFRB Chairperson Martin Delgra III, wala silang nakitang overcharging sa fare computation ng Grab.


Paliwanag ng Grab, tumataas ang halaga ng pasahe dahil tumataas ang demand ngayong Disyembre.

Sa datos ng LTFRB, higit 60,000 ang aprubadong Transport Network Vehicle Service Units pero nasa 30,000 lang ang tumatakbo.

Pinag-aaralan na ng LTFRB kung ilan pa ang kailangang idagdag na units.

Iniimbestigahan na rin nila ang ulat na may ilang driver na hinihintay na sumipa ang pamasahe bago mag-online.

Facebook Comments