Manila, Philippines – Umaasa ang Grab Philippines na mare-reimpose ang sinuspindeng two-pesos per travel time charge.
Nabatid na submitted for resolution na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng Grab ukol dito.
Ayon kay Grab Philippines Public Affairs Head Leo Gonzales, malaki ang maitutulong ng travel time rate para sa kanilang partner-drivers.
Aniya, matagal ng naghihintay ang mga driver sa magiging resolusyon.
Giit pa ni Gonzales, maliit lamang ang naiuuwing kita ng mga driver dahil sa suspensyon ng travel time rate.
Ipinunto pa niya ang mababang supply ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) para punan ang demand ng mga pasahero.
Paglilinaw naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra III, mananatiling suspendido ang travel time charge hangga’t hindi napagdedesisyunan ang resolution.