Grab rider nabiktima ng ‘no-show’ na buyer; inorder na milk tea ibinenta sa murang halaga

Images from Krizia De Lara

Agad nag-viral nitong nakaraang araw ang Twitter post ni Krizia De Lara tungkol sa isang Grab Food rider na hindi sinipot ng customer.

Ayon kay De Lara, nilapitan sila ng rider at inalok ang milk tea na inorder ng isang indibidwal.


Kuwento ng delivery boy, inihatid niya ang 14 na inumin sa Solaire Hotel pero no-show ang pasaway na buyer.

Umabot sa P1,900 ang pangkalahatang halaga ng milk tea, at tinitinida ito ng rider sa mas mababang presyo para lang mabawi ang perang ginastos.

“Maririnig mo sakanya na sinasabi niyang “luging lugi na ko” “wala na kong pang gatas”.

“Sayang lang hindi ko nakuha ung details nung nag order sakanya 🙁 Sobrang nakaka awa. God bless kay kuya! Sana makonsensya lang ung mga taong gumagawa ng ganito!!” sambit ng netizen.

Sa galit at awa ng ilang social media users sa sinapit ng rider, tinag nila ang official Twitter account ng Grab Philippines para mapansin ang lumalalang problema ng mga mamimiling manloloko.

 Mabilis naman tumugon ang pamunuan ng Grab ukol sa hinaing ng publiko.

“Hi, Franz! We regret hearing about this case of unclaimed GrabFood order. Please do note that our delivery-partners are fully-reimbursed by Grab for unclaimed orders once reported. Customers with no-shows face account penalties, including suspension,” pahayag ng kompanya.

Komento ng iba, dapat tanggalin ang option na COD o cash on delivery upang wala nang mabiktima pa.

Facebook Comments