Sinuspinde ng Grab Philippines ang GrabCar services nito simula ngayong araw, August 4 kasabay ng pag-iral ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit lalawigan.
Sa statement, sinabi ng Grab na hindi muna magagamit ang kanilang GrabCar services sa Metro Manila, Laguna, Bulacan, Cavite, at Rizal.
Sinisilip ng Grab ang posibilidad na magsilbi ang kanilang driver-partners bilang shuttle service para sa medical frontliners, maging sa kanilang corporate staff at merchant partners.
Nakikipagtulungan din ang Grab sa kanilang institutional partners para palawigin ang payment holidays sa loan ng kanilang driver-partners.
Bubuo sila ng donation streams para sa mga komunidad na naapektuhan ng suspensyon ng pampublikong transportasyon.