Pagdating sa malalaking sporting events gaya ng World Cup, nagkakaisa ang lahat sa pagsuporta ng paborito nilang team at players.
Pero hindi para sa Russian couple, dahil ang mainitang laban sa 2018 World Cup ang naging dahilan ng kanilang divorce!
Kapwa big football fans sina Arsen at misis niyang si Ludmyla at katunayan, noong 2002 World cup sa Chelyabinsk Sports Bar nagsimula ang kanilang love story.
Pero noong nakaraang Linggo, nagdesisyon silang tapusin ang 14 na taon nilang pagsasama matapos umanong mapikon si Arsen sa pangungutya ni Ludmyla sa performance ng idol niyang si Lionel Messi ng Argentina.
Magkaiba raw kasi sila ng sinusuportahang team at bagama’t nakagawian ang asaran sa tuwing nanonood sila ng laro, napikon na raw siya sa pang-aalaska ng kanyang asawa.