Manila, Philippines – Inilunsad ng Transport Network Company (TNC) na Grab Philippines ang on-demand food delivery service sa ilang pangunahing lungsod sa Metro Manila.
Ito ay tatawaging ‘Grabfood’ na siyang mag-dedeliver ng pagkain galing sa 600 food establishment partners sa Makati, Bonifacio Global City – Taguig City, Ortigas Center, Quezon City, San Juan, at Mandaluyong sa pagitan ng alas-11:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ayon kay Grab Philippines Country Manager Brian Cu, ang Grabfood ay malaking hakbang nila para maibigay ang pangangailangan ng mga consumer.
Aniya, food delivery ang natural extension ng ini-aalok nilang transport service.
Walang minimum order value sa paggamit ng Grabfood, at pwedeng bayaran ng cash ang maide-deliver na pagkain.
Bukod sa Metro Manila, nag-o-operate ang Grab sa Baguio, Pampanga, Bacolod, Cebu, Iloilo, Cagayan de Oro, Davao, at Balanga.