Grace Lee, open nga ba maka date muli ang dating Pangulo na si Noynoy Aquino?

33

Sa isang panayam kay Grace Lee, inamin niya na may komunikasyon pa rin sila ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Huling narinig noong 2012 ang balita na nag di-date ng dalawa noong mga panahon na pangulo pa si Noynoy.
Inamin niyang naudlot ang pagdi-date nilang dalawa noong lumabas sa media ang isyu.
Ani ni Grace na, “We went on dates for about four months”. Nilinaw din niya na hindi umabot sa punto na “officially dating” sila ni Noynoy ngunit inamin niyang may “something” na namamagitan sa kanilang dalawa.
Sinabi din ni Grace ang mga nagustuhan niya kay Noynoy tulad ng pagiging matalino at mabuting tao.
“You never know what can happen but our ‘something’ just ended there. I can comfortably talk about it now because it happened a long time ago,” dagdag pa niya.

Facebook Comments