Grace Padaca na Tumatakbo sa Posisyong Bise-Gobernador ng Isabela, Umaasa na Mananalo sa Halalan 2019!

384

*Cauayan City, Isabela-* Malaki umano ang pag-asa ni dating gobernador Grace Padaca na mananalo ito sa susunod na halalan sa posisyong pagka-gobernador sa ilalim ni Congressman Napoleon “Pol” Dy ng ikatlong distrito ng Isabela na tatakbo naman sa posisyong Gobernador.

Sa ginawang live interview ng RMN Cauayan sa programang Straight to Point kaninang umaga kay Grace Padaca, kanyang Inihayag na pinag-isipan umano nito ng mabuti ang kanyang pagtakbo sa susunod na halalan sa ilalim ni Cong. Pol Dy.

Aniya, hindi umano siya papayag na walang pagpipilian ang mga Isabelinong botante bukod sa dalawang Dy Dynasty kaya’t tatakbo parin ito na kahit alam umano nito na marami ang kontra sa kanya.


Ayon pa kay Padaca, malaki parin umano ang kanyang pag-asa na marami ang boboto sa kanya sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos dahil mahahati na umano ang boto ng dalawang Dy.

Magugunita na una ng naghain ng COC si Cong. Pol Dy ng ikatlong distrito ng Isabela sa pagka-Gobernador sa ilalim ng partidong Nationalist People’s Coalition at si Grace Padaca na kakandidato naman bilang Bise-Gobernador sa ilalim ng Partidong Aksyon Demokratiko.

Samantala, nitong nakalipas na buwan ay nagsimula umano ang pag-uusap nina Cong Pol Dy at Grace Padaca hinggil sa kanilang pagsasama para sa halalan 2019.



Facebook Comments