Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtapos na nitong June 1 ang pagbibigay ng grace period sa pagbabayad ng loan at credit card dues.
Ito ay kasabay ng pagpapaluwag ng lockdown restrictions sa malaking bahagi ng bansa.
Sa kanyang weekly report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Duterte na umiiral lamang ito sa loob ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region (maliban sa Pangasinan), MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula (maliban sa Zamboanga City), Northern Mindanao, Davao Region (maliban sa Davao City), SOCCSKSARGEN, at BARMM ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula June 1 hanggang 15.
Ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng GCQ.