Grade 1 Student, Patay Matapos Malunod sa Ilog

11

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang grade 1 student matapos malunod sa ilog Pinacanauan na sakop ng Brgy. Cadsalan, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Monica Urbano na residente sa nabanggit na lugar.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PSSgt Rogelio Ignacio Jr., imbestigador ng San Mariano Police Station, lumabas sa kanilang pagsisiyasat, isinama ng mga magulang ang biktima sa ilog upang maglaba dahil wala umano itong kasama kung iiwan nila sa kanilang bahay.

Makalipas ang ilang sandali, napansin umano ng mag-asawa na nawawala ang kanilang anak.

Dito na naghanap ang mga magulang ng biktima hanggang sa tumambad ang katawan ng kanilang anak na nasa ilalim ito ng tubig.

Agad na humingi ng saklolo ang mag-asawa sa lugar kaya’t naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit idineklara siyang dead on arrival (DOA).



Facebook Comments