Grade 10, Nadiskubreng Nakabitay sa Puno ng Mangga sa Libmanan, CamSur

30

Puno ng lungkot ang isang pamilya ngayon sa bayan ng Libmanan dahil sa hindi inaasahan at napakaasaklap na pangyayri.
Ayon sa report ng pulisya, isang batang lalaki, edad 15 anyos ang nadiskubreng nakabitay sa puno ng mangga sa Barangay Tarum, bayan ng Libmanan sa Camarines Sur.
Bandang alas 7 ng umaga kahapon petsa 9 ng Pebrero, nakita na lamang ng kanyang amang si Domingo Presentacion ang nakabitay at wala ng buhay na katawan ng kanyang anak na kinilalang si Darwin, nasa Grade 10 ng Mantalisay High School ng nasabing bayan.
Patuloy pa ang isinasagawang imbistigasyon ng pulisya kung ang biktima ay sadyang nagpatiwakal o may foul play.

Facebook Comments