Grade 10 Student, Patay sa Aksidente!

*Cauayan City, Isabela-* Patay ang isang binatilyo matapos na maaksidente sa kahabaan ng Brgy Nappaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela partikular sa Nappaccu Grande bridge.

Kinilala ang biktima na si John John Galolo, 17 anyos, grade 10 student ng Turod Integrated Natl Highschool, habang sugatan naman ang pinsan at backrider nito na si Christian Julian, 17 anyos, grade 11 student ng nasabi rin paaralan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Reina Mercedes, binabaybay ng biktima ang naturang lansangan patungong Lungsod ng Ilagan lulan ang minamanehong Yamaha Sniper 135, walang plaka at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bigla itong nawalan ng kontrol sa manibela na dahilan ng kanilang pagbagsak at pagsemplang sa daan.


Sa tindi ng kanilang pagbagsak ay nagtamo ng pinsala sa ulo si Galolo na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Dinala naman sa pagamutan ang backrider ng biktima para sa kaukulang lunas na ngayon ay kasalukuyang nagpapagaling.

Facebook Comments