Grade 10 student, patay sa tuklaw ng alagang cobra

5047

Nasawi ang isang Grade 10 student matapos tuklawin ng kaniyang alagang cobra sa Barangay Bago, Roxas City, Capiz noong Martes.

Ayon sa nanay ng 16-anyos na binatilyo, napansin niyang nangingitim at malamig na ito  habang nakahiga sa sala ng kanilang tahanan.


Dead on arrival sa Capiz Doctors Hospital ang biktima pasado ala-una ng hapon.

Nalaman na lamang ng pamilya na nakagat ito ng ahas dahil sa mga litratong naka-save sa cellphone ng binatilyo.

Dahil sa matinding galit ay pinatay ng ina ang makamandag na hayop gamit ang isang bolo.

Kuwento pa ng ina, makailang beses din niyang pinangaralan at pinagalitan ang anak simula nang iuwi ang cobra.



Matagal na aniya nahihilig ang biktima sa exotic animals at bukod sa ahas ay nag-aalaga rin ito ng isda, tarantula, at gecko.


Facebook Comments