Quezon City – Dead on the spot ang isang grade 10 student matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa babuyan alley corner general avenue sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Kevin Realtaso, labing anim na taong gulang.
Sa imbestigasyon, nanggaling sa isang birthday party ang biktima at pauwi na ito nang masalubong ang isang riding in tandem.
Agad na tumakbo si Realtaso ngunit naabutan at pinagbabaril siya ng mga salarin.
Hindi naman alam pamilya ng biktima ang motibo sa krimen dahil walang kaaway ang binatilyo at hindi rin ito sangkot sa iligal na droga.
Facebook Comments