Grade 11 na estudyante nalunod sa Lingayen Beach, patay!

Patay ang isang Grade 11 na estudyante matapos malunod kahapon ika- 1 ng Mayo sa Lingayen Beach sa kasagsagan ng selebrasyon ng Pistay Dayat 2019 sa lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Chris Sagaoainit Adan, 18, residente ng Brgy. Maniboc, Lingayen Pangasinan. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya 2:00 ng hapon ng pumunta ito sa Lingayen Beach kasama ang kaniyang mga pinsan upang makisaya sa pagdiriwang ng Pistay Dayat 2019. Pumunta ang biktima sa isang bangka ngunit dahil sa lakas ng agos nahulog ang biktima.

Nirescue ng Lingayen Disaster Risk Reduction and Management Office ang biktima ngunit idineklara ng dead on arrival sa Lingayen District Hospital.


Facebook Comments