Patay na nang matagpuan ang isang 16 anyos na lalaki na nalunod umano sa Pugaro Beach, Brgy. Pugaro Dagupan City matapos tangayin ng malakas na alon.
Sa ulat ng pulisya, ang biktima ay grade 11 student at residente sa lungsod.
Noong araw ng martes kasama umano ng biktima ang kaniyang kaklase nang magkayayaang maligo sa dagat ngunit sa lakas ng alon tinangay ang biktima.
Sinubukang i-rescue ng mga nakasaksi ang bata ngunit nabigo ang mga ito.
Umaga na kahapon nang makita ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa dagat matapos ang isinagawang search and retrieval operation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments