Grade 11 student, patay sa saksak matapos manlaban sa 2 holdaper

2244
From Facebook/James Danyael Espinosa

CEBU CITY – Pinaslang ang isang 18-anyos na lalaki matapos manlaban sa mga holdaper sa Sitio Mahayahay, Barangay Pardo noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima si James Danyael Espinosa, isang Grade 11 student at residente sa Brgy. Mambaling.


Kasama raw ng binatilyo ang kaniyang nobya na nakaligtas sa nangyaring pagnanakaw.

Ayon kay Police Master Sergeant Julieto Elarcosa, naglalakad pauwi ang dalawa nang biglang atakihin ng dalawang snatcher at tangkaing agawin ang cellphone ng babae.

Nagtamo ang biktima ng saksak sa tiyan na agad nitong ikinamatay.

“She said the victim and the suspects were briefly engaged in a fistfight before one of them stabbed him that led to his death,” pahayag ng imbestigador.

Sa isinagawang operasyon ng Pardo Police, nadakip nila ang isa sa dalawang suspek na nagngangalang alyas Potpot na positibong itinuro ng kasintahan ni Espinosa.




Patuloy na tinutugis ng pulisya ang isa pang salarin.

Facebook Comments