Grade 11 Student sa Santiago City, Tiklo sa Pagnanakaw ng Panregalo!

218

*Santiago City- *Arestado ang isang estudyante matapos itong matiklo sa pagnanakaw ng pantalon sa isang Department Store sa Lungsod ng Santiago partikular sa brgy. Centro East.

Kinilala ang suspek na si Joey Laguerta, 20 anyos, Grade 11 student at residente naman ng Brgy. Turod Sur, Cordon, Isabela.


Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan mula sa Santiago City Police Station 1, pumili umano ng mamahaling pantalon ang suspek sa department store at nagtungo sa fitting room kung saan agad umano nitong isinuot at ipinalit ang napiling pantalon sa dati nitong suot.

Hindi na ibinalik ng suspek ang kanyang kinuhang pantalon bagkus ay ipinalit at inilagay sa mga naka display na pantalon ang kanyang dating suot.

Napansin naman ng nakabantay na sales lady na iba ang ibinalik ng suspek kaya’t agad na nagbigay impormasyon sa presinto uno na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Nasa tanggapan na ng Santiago City Police Station 1 ang suspek at nakatakdang isampa ang kanyang kasong Theft ngayong araw dahil sa pagnanakaw ng dalawang pantalon.




Samantala, sa panayam ng RMN Cauayan kay Laguerta ay inihayag nito na bibili lamang sana ito ng kanyang panregalo subalit natukso lamang ito na kunin ang napiling pantalon.

Facebook Comments