GRADE 12 NA ESTUDYANTE, NAKUMPISKAHAN NG 60K NA HALAGA NG MARIJUANA SA SUAL

Arestado ang isang lalaking Grade 12 student at residente ng Sual, sa isinagawang buy-bust operation ng Sual Municipal Police Station (MPS) katuwang ang PDEA RO1 noong Martes, Disyembre 23.

Ayon sa ulat ng pulisya, timbog ang suspek sa operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng tatlong pakete na may timbang na 500 gramo ng hinihinalang dried marijuana leaves at may tinatayang halaga na ₱60,000.

Bukod sa droga, nakumpiska rin ang buy-bust money, boodle money, at ilan pang non-drug evidence.
.

Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan laban sa suspek habang pinaghahandaan ang kaukulang kasong isasampa laban sa kanya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments