Grade 12 Student at 1 pa na Biktima ng Pagkalunod, Natagpuan na ang Bangkay

Cauayan City, Isabela- Natagpuan ang katawan ng dalawang biktima ng pagkalunod matapos magpalutang-lutang sa kahabaan ng Cagayan river pasado 9:00 ngayong umaga sa River Bank, Brgy. San Antonio, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na si Arjay Concha, Grade 12 student at Jerico Allauigan kapwa 18-anyos at residente ng Brgy, Pilitan, Tumauini, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon PNP Tumauini, natagpuan ng mangingisda na nakalutang ang bangkay ng mga biktima na sakop ng Brgy. Companya sa bayan ng Tumauini na agad namang ipinagbigay alam sa mga awtoridad.


Una nang naitalang nawawala ang dalawa nitong huwebes, Mayo 14, 2020 matapos magtungo sa Cagayan river upang maligo hanggang sa marekober ngayong umaga ang kanilang mga bangkay.

Samantala, hindi na madaanan ang overflow bridges na Annafuann at Gucab sa Bayan ng Echague dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa kabila ng nararanasang tuloy-tuloy na pag-uulan.

Facebook Comments