Grade 4 pupil na nalunod natagpuan sa Guadalupe Bridge Boundary ng Mandaluyong at Makati City

Natagpuan na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang palutang lutang na bangkay ng isang grade 4 pupil na natagpuan sa ilalim ng Makati Mandaluyong Guadalupe Bridge.

Kinilala ang biktima na si Yhael Dionisio 9 na taong gulang at grade 4 student.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya noong   January 4, 2020 ang biktimang si Dionisio ay huling nakita ng kanyang amang si Noel Dionisio bandang 6:00 AM sa kanilang bahay at ganap na alas 7:00 AM ng naturang Petsa ay dumating ang tatlong mga kabataan bitbit nag mga damit at shorts ng biktima at sinasabing nalunod sa ilog ang kanyang anak sa Bambang Creek Pasig river.


Agad na nagtungo sa pinangyarihan ng insidente ang ama ng biktima kasama nag mga tauhan ng Philippine Coastguard para magsagawa ng search and rescue operation, pero bigong matagpuan ang katawan ng biktima.

Pero kahapon ng alas4:30 ng hapon sinabi ng nakakita na ang bangkay ng biktima ay palutang lutang sa ilalim ng Guadalupe Makati Mandaluyong Bridge, kung saan kinilala ni Noel ang bangkay ng kanyang anak.

Facebook Comments